This is my personal website and online portfolio.  More works will be added soon. Intay lang kayo, nag-iipon pa akong pambili ng scanner.

- k2da

 

 

faq:

 

Q - Ikaw ba yang nasa litrato sa guestpage?

A - Hindeee (pinalitan ko na ang pic sa guestpage, bawal na maulit ang tanong na ito).

 

Q - Bakit wala kang pic na nakapost dito?

A - Mababa lang ang allocated bandwith ng subdomains. Kung lalagyan ko ng pictures ko,  mahihirapan na kayong pumasok dito.

 

Q - Taga-UP ka ba?

A - Oo.

 

Q - Sino si Bob Ong?

A - Basta. Hindi siya taga-UP

 

Q - Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

A - Akala mo lang yon.  Bilin mo yung libro para ma-gets mo.  (ako yung illustrator nun)

 

Q - So, kartunista ka. Pwedeng magpadrowing?

A - Pwede.  Yung madali lang ha.

 

Q - Magkano ibinayad mo sa gumawa nitong website?

A - Wala.  Ako ang gumawa nito. 

 

Q - Gumagawa ka ng websites?

A - Basically, mas linya ko yung design.  At part time lang ito, kapag wala masyadong ginagawa. 'May do', ika nga.

 

Q - Nagsusulat ka... Writer ka?

A - Hindi.  Trip trip lang yan.  

 

Q - Pang-ilang tanong na ito? May susunod pa ba rito?

A - ...